English news

当前位置: 首页 -> 新闻中心 -> English news -> 正文

Asawa ni VP Sara, maghahain ng reklamo vs BSP, AMLC, mga Kongresista

信息来源: 发布日期:2026-04-27

https://remate.ph/asawa-ni-vp-sara-maghahain-ng-reklamo-vs-bsp-amlc-mga-kongresista/

MANILA, Philippines – Maghahain ng criminal complaint si Manases Carpio sa Quezon City Prosecutor’s Office laban sa mga opisyal ng Bangko Sentral ng Pilipinas, Anti-Money Laundering Council, at ilang miyembro ng Kamara.

Kabilang sa mga ireklamo sina BSP Governor Eli Remolona Jr., AMLC Executive Director Ronel Buenaventura, at mga kongresistang sina Gerville Luistro, Percival Cendaña, Chel Diokno, at Leila De Lima.

Ayon sa reklamo, umano’y “nagkutsabahan” ang mga ito upang ilabas ang confidential bank records na protektado ng Anti-Money Laundering Act (RA 9160), Bank Secrecy Law (RA 1405), at Data Privacy Act (RA 10173).

Ikinaso rin na umano’y nag-leak ang AMLC at House Committee on Justice ng iba’t ibang pribadong rekord ng transaksyon, kabilang ang insurance, time deposits, investments, at utility payments.

Nauna rito, ibinunyag ng AMLC sa pagdinig ng Kamara na may P6.77 bilyong “suspicious” at “covered” transactions na konektado kina Sara Duterte at Carpio sa loob ng halos dalawang dekada. Sa halagang ito, P4.425 bilyon ang pumasok sa kanilang accounts, P1.554 bilyon ang lumabas, at P791 milyon ang hindi matukoy kung inflow o outflow.

Ayon sa AMLC, ang “suspicious” transactions ay yaong may kahina-hinalang pinagmulan o hindi tugma sa kakayahang pinansyal ng kliyente, habang ang “covered” transactions ay lampas P500,000 sa isang araw.

Iginiit ni Carpio na napilitan siyang magsampa ng kaso upang ipagtanggol ang kanyang asawa at ang banking community, at binigyang-diin na ang bank records ay mahigpit na kumpidensyal.

There is no exception. The prohibition is absolute. That is what Congress itself enacted to preserve full security against any disclosure of any information or record obtained by the AMLC,” ani Carpio.

Tinawag din niya ang umano’y paglabas ng impormasyon bilang “black propaganda and political harassment” laban kay Duterte at sa kanilang pamilya.

AMLA is being weaponized to the max even if illegal and contrary to law, for pure black propaganda with a view to the 2028 national election”, dagdag niya.

Nauna nang inanunsyo ni Duterte ang kanyang planong tumakbo bilang pangulo sa 2028 elections.